RCBC Cabuyao Massacre
Monday, May 19th, 2008May 18, 2008
TV Patrol Linggo
Bernadette Sembrano: Pumanaw na kanina sa St. James Hospital sa Sta. Rosa, Laguna ang isang opisyal ng RCBC-Cabuyao na kasama sa mga binaril ng mga hindi pa nakikilalang mga magnanakaw noong Biyernes. Nagpapatrol, Gretchen Malalad…
Gretchen Malalad: Matapos ang halos dalawang araw na pakikipaglaban sa kanyang buhay, pumanaw na kaninang umaga sa St. James Hospital sa Sta. Rosa, Laguna si Isagani Pastor, ang Client Relationship Manager ng RCBC. Hindi na umano nakayanan ni Pastor ang malubha nyang tama sa ulo. Si Pastor ang ikasampu ng biktima ng pinakamarahas na bank robbery sa Pilipinas…
Sa kabila nito, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang RCBC na matutukoy at mapapanagot pa rin sa batas ang mga suspect sa krimen. Sa ngayon, 2 ang lead na tinututukan ng pulis. Una, ang testimonya ng isang babae hinggil sa isang lalaking nakajacket na itim na umakbay at naghatak papasok sa bangko sa isang depositor at pinaslang din na si Ferdinand Antonio. Ikalawa ay ang logbook ng napatay na guardya na nagrehistro ng pagpasok sa bangko ng limang nagpakilalang pulis nang dakong alas-otso ng umaga. Samantala, inihayag pa ni Ermita na aabot sa 12-15 milyong piso ang natangay sa bangko.
Gretchen Malalad, Patrol ng Pilipino!
Video courtesy of DAVE









