Home » Post Item » Bandila 5.14.2008
Bandila 5.14.2008
Thursday, May 15th, 2008Ms. Korina: Mas dumami ang mga naaaksidente sa motorsiko mula Enero ngayong taon kumpara noong nakaraang taon ayon sa MMDA. Kung bakit, alamin sa ulat ni Gretchen Malalad.
Gretchen Malalad: Sa taas ng presyo ng gasolina at sa araw-araw na trapiko sa lansangan, mas pinipili na lang ng ilan ang pagmomotorsiklo…
Kaya naman nitong mga nakalipas na apat na taon, dumadami na ang bilang ng mga nagmomotorsiklo. Pero kasabay nito ang pagdami rin ng mga aksidente sa motorsiklo. Base sa rekord ng MMDA, noong 2002, 285 lang ang mga motorcyle-related accident. Naging 545 ito noong 2003 at patuloy na tumaas hanggang umabot sa mahigit 4,000 ng aksidente na naitala noong nakaraang taon. Pero mas nakakaalarma ang bilang sa unang limang buwan palang ngayong taon. Mahigit na agad 2,000 ang naaaksidente sa motorsiklo, 51 ang namatay sa mga aksidenteng ito. Lumalabas na mahigit 400 na aksidente ang naitatala kada buwan at sampu rin ang namamatay sa aksidente kada buwan.
Gretchen: Ayon sa MMDA, lahat na daw ng paraan ay kanilang ginagawa para maging ligtas ang lansangan para sa ating mga kababayan na nagmomotor. Pero karamihan raw sa kanila ay walang disiplina na numerong unong dahilan ng mga aksidente.
Marami raw ang hindi sumusunod sa mga batas trapiko. Una na rito ang hindi pagsusuot ng helmet. Kahit ang pulis na ito at kanyang angkas ay walang ring helmet habang bumabaybay sa Novaliches. Pero hindi ang mga sanay ng magmotorsiklo, na parang hindi naman naaalarma sa pagtaas ng mga aksidente.
Para sa Bandila, Gretchen Malalad.




