Buzz Interview with Gretchen
Monday, August 27th, 2007The Buzz Teaser regarding Gretchen Malalad and Bong Alvarez


Gretchen Malalad during her taped interview shown in The Buzz last August 26, 2007.
The Buzz: Bong Alvarez vs. TV Reporter, Gretchen Malalad
(Uploaded in youtube by LittleMorgan)
Boy Abunda: Noong Martes, usap-usapan ng buong bayan ang naganap na engkwentro sa pagitan ng ABS-CBN Reporter Gretchen malalad at ex-PBa player na si Paul Bong Alvarez.
Gretchen: Kakagaling ko lang non sa Pasay, nag-live reporting ako about sa mga sundalo sa Basilan. Tapos I was asked to cover nga yung kaso ni allegedly daw nagbugbog daw si Mr. Bong Alvarez sa isang taxi driver so we went there sa presinto kasama ko ang crew ko.
Boy Abunda: Ngunit sa paglapit pa lang daw nila kay Alvarez ay hindi na naging maganda ang bungad nito.
Gretchen: Actually pagdating pa lang namin nun parang we didn't have the chance na. Sinalubong kasi niya agad sa amin na "Babasagin ko ang camera mo, Bubugbugin ko ang cameraman mo."
Boy Abunda: Nirespeto raw ng ABS-CBN reporter ang pagtanggi ni Alvarez na magpainterview. Kaya binalikan na lang niya ang taxi driver na diumano'y binugbog nito. At dito na nga naganap ang kontrobersiyal na paniniko ni Alvarez kay Gretchen.
Gretchen: Sabi ko, ahm, bakit bawal ba kami dito, may karapatan kami pumasok dito.. ganyan…, kakausapin namin ang biktima and yung pulis… ganun. Then, what he did, he just stared at me. Tapos paglabas niya, ayun nga, siniko niya akong ganun.
Voice Over: Pagmasdan ang ebidensya sa eksklusibong video na ito. Kitang-kita na pagdaan ni Alvarez sa tapat ni Gretchen, ay pasimple nitong siniko ang reporter sa panga.
Gretchen: Pag ganun niya sa akin, so siyempre ang reaction ko non, I was expecting another blow from him di ba, tumaas na ako nangg ganun. tapos umano na ko, bumato na ako, pagkabato ko, bumalik na naman siya. Ayun, sinapak niya ako. Ang natatandaan ko, ito eh, ang masakit, ito, dito.
Boy Abunda: Ayon naman kay Bong, sa simula pa lang daw ay sinabihan na niya si Gretchen na wag siyang kunan dahil ayaw niya daw makaladkad pa sa media ang insidenteng kinasangkutan niya.
Bong: Sinabihan ko po talaga si Gretch. Sabi ko sa kanya, Gretch, tatlo anak kong babae, wag mo naman akong imedia, nakakaawa, maawa ka naman sa anak ko. Iyon ang saktong sinabi ko sa kanya, alam niya un.
Boy Abunda: Pero ayon kay Gretchen, hindi niya daw kinulit si Alvarez kaya wala ito sa lugar para saktan siya.
Gretchen: I wasn't provoking him, I asked kung pwedeng makuha yung side niya, kasi we heard the side of the victim.
Voice Over: At sa paniniko daw sa kanya ng basketbolista sa panga, natural lang daw na ipagtanggol niya ang kanyang sarili.
Gretchen: Aaminin ko, I was in rage na parang, bakit mo ginawa sa akin yun, I was just doing my job. Of course, he hit me, hindi lang isa, kundi dalawa, tatlo ata di ba. I was hurt, to protect myself na rin. Magkadugtong iyon eh. when he hit me, siyempre napaganon ako tapos napahawak ako sa kanya tapos nagkahilahan kami ng ganon, sinabunutan niya ako diba.
Boy Abunda: Ayon din sa reporter, bilang martial artist ay alam niya kung kailan dapat at hindi dapat lumaban sa kapwa.
Gretchen: Babae akong tao and as a martial artist din di ba, we were taught na we do not do the first strike, never ever. You hit back dun sa… i mean to defend yourself. Yun lang un. Yun lang ang masasabi ko, I was defending myself. I hit him back dahil pinoprotektahan ko rin ang sarili ko.
Boy Abunda: Mismo nung araw na yun ay nagsampa na rin si Gretchen ng kasong physical injury laban kay Bong Alvarez at wala daw siyang balak na iurong ang kaso.
Gretchen: Wala, walang aregluhan na nangyari. Saka hindi ako papaareglo. Tuloy ko pa rin tala ang kaso. Siguro alam naman siguro nila na hindi ako aatras sa kaso.
Boy Abunda: Matapos ding mahismasan noong hapon ding iyon, ay humingi naman ng paumanhin si Alvarez kay Gretchen.
Bong Alvarez: Gretch, sorry, pasensya ka na talagang naano lang ako. Ayoko lang media. Ako ang niloko niya, hindi ako ang nanloko.
Gretchen: Iyong andun kami sa harapan ng fiscal's office. Okay, hindi ako nagsalita. Papatawarin kita, pero itutuloy ko pa rin ang kaso.
Boy Abunda: Sa ngayon ay balik-trabaho na raw ulit si Gretchen sa ABS-CBN News and Current Affairs.
Gretchen: I rested lang mga 1 day. Yun lang, tapos back to work. Wala namang dapat ikatakot eh. Basta nasa posisyon ka ng tama, di ba, sa tingin mong tama ka… ipaglaban mo.
Boy Abunda: At isa pang ekslusibong rebelasyon, nang tanunin naman ng the Buzz si Gretchen kung may gusto pa siyang sabihin kay Bong ngayon, ito ang prangkang sagot ng reporter.
Gretchen: No comment na lang diyan. Pag nakasalubong ko siya, Ano ba, I'll say "Hi! Hello!" I'll see you in court."
The same video captured and uploaded by Ocyrn3 in www.youtube.com









