Bong vs. Gretchen in TV Patrol 08.21.2007
Excerpt:
Pagdating sa presinto ng Mandaluyong Police, tinangka siyang kuhanan ng pahayag ng ABS CBN TV reporter na si Gretchen Malalad. Nang bantaan itong sisirain ang camera. Iiwan na raw sana ni Malalad si Alvarez pero bigla raw silang pinagsarahan ng pinto ni Alvarez at sinimplehan ng siko sa mukha.
Gretchen: Reaksyon ko lumapit ako sa kanya bat mo ginawa yon tapos ayon. Bunuan na kami noon. Sinapak niya ako sinabunutan niya ako… initial reaction ko, inano na ako sinasapak nya ako e di ako i have to fight back..
Bong: Maawa ka naman sa anak ko, yun ang saktong sinabi ko sa anak niya. Alam niya iyon. Alam niya iyon. Sabi ko, Paalisin mo na ang camera mo. Bubugbugin ko ang cameraman mo. Ginanon ko siya talaga.
Reporter: Ah so sinabi niya talaga yon… Sinabi ko talaga siya. Ang masama doon, ng palabas na ako hinarangan niya ako. Siya ang humarang sa akin hindi ako humarang.
PO3 Vergel Sinlao Police: … Babae papatulan… At the same time Murahin ang police sa mismong opisina pa ng investigation unit, di ba? in the presence of my colleagues….
Reporter: Umabot sa presinto ang asawa ni Alvarez na si Almira Muhlach ngunit tumanggi itong magsalita. Napasugod pa si Annabelle Rama, ang manager ni Almira upang magbigay ng dagdag pampiyansa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasangkot sa gulo si Alvarez. Minsan na siyang inireklamo ng pananampal sa isang guardiya sa Whiteplains Subdivision matapos itong magpumilit pumasok.
Nagkainitian na rin sina Alvarez at ang modelong si Borgy Manotoc sa isang bar sa Taguig matapos daw mapagkamalan ni Alvarez na waitress ang kasintahan ni Manotoc.
Binantaan pa niya ang cameraman…
Tinangka siyang kuhanan ng pahayag ng ABS-CBN reporter
Pasimple rin niyang siniko sa panga si Malalad.
Hinabol at kinumpronta ni Malalad si Alvarez. Pero nagpambuno sila ng hablutin siya sa buhok ng dating PBA star. Minura din ni Alvarez ang mga pulis na nagpasok sa kanya sa kulungan.
Video courtesy of Sidekick Epey
Bong Alvarez inatake si Gretchen Malalad
Reporter ng ABS-CBN sinaktan din ni Bong Alvarez
Martes, Agosto 21, 2007

Isang reporter ng ABS-CBN ang nagsampa ng reklamo laban sa dating basketball player na una nang nanakit ng taxi driver.
Kuhang-kuha sa video ang aktuwal pag-atake ni Paul “Bong” Alvarez kay Gretchen Malalad, ang reporter ng ABS-CBN, bandang alas-siyete ng Martes ng umaga.
Nakasabay ng DZMM ang crew ng ABS-CBN News team na pinangungunahan ng reporter na si Malalad sa coverage sa pambubugbog umano ni Alvarez sa taxi driver na si Wilfredo Cabanlit.
Sa umpisa pa lang, tumangging magpakuha sa camera si Alvarez. Binantaan pa ni Alvarez ang cameraman ng news team na babasagin ang camera nito.
Nirespeto ng cameraman ang kagustuhan ni Alvarez at hindi na siya nilapitan.
Pero pursigido ang ABS-CBN reporter na makuha ang buong istorya.
Ayaw ni Alvarez na may media sa loob ng Mandaluyong Police Station habang nakikipag-usap siya sa mga pulis.
Habang karapatan ni Alvarez na huwag magbigay ng pahayag, iginiit ni Malalad na walang karapatan ang basketbolista na palabasin siya at kanyang team sa police precinct.
Sa kuha sa video, nakita kung paano pa-simpleng siniko ni Alvarez sa panga si Malalad habang papalabas siya ng pinto. Sinapak pa sa kaliwang panga ang reporter.
Matapos ito, nagkagulo na at hindi na rin nakapagpigil ang babae at gumanti kay Alvarez.
Sinabunutan ni Alvarez si Malalad. Agad umawat ang mga pulis at pinosasan si Alvarez at idiniretso na sa kulungan.
Agad rin namang nagpasuri sa medical-legal si Malalad na pulang-pula ang mukha.
Nagsampa na ng kaso laban kay Alvarez si Malalad sa piskalya sa Mandaluyong.
Taken from the ABS CBN Website
Bong Alvarez vs. Taxi Driver
Bong Alvarez nambugbog ng taxi driver
Martes, Agosto 21, 2007

Inireklamo ng isang taxi driver ang isang dating basketball player ng pananakit sa lungsod ng Mandaluyong.
May bakas pa ng dugo sa T-shirt at may sugat pa sa gitna ng ilong ang taxi driver na si Wilfredo Cabanlit nang maghain ng reklamo sa Mandaluyong City Police Station laban sa dating Philippine Basketball Association player na si Paul “Bong” Alvarez.
Ayon kay Cabanlit, mag-aalas-singko ng madaling-araw nang isakay niya sa Rembrant Hotel sa Quezon City ang amoy-alak na si Alvarez.
Pagdating sa Boni Avenue sa Mandaluyong, nagising at pinagmumura siya ni Alvarez dahil nag-iba siya umano ng ruta ang taxi.
Dito na raw siya sinipa at saka sinunggaban sa leeg ni Alvarez na nakasakay sa likuran ng taxi, anang tsuper.
Naiyak na si Cabanlit nang ikwento kung paano siya nagmakaawa kay Alvarez.
Nagpumiglas si Cabanlit at nakatakbo palabas ng taxi. Duguan na umano ang kanyang mukha pero hinabol pa rin siya ni Alvarez.
Natigil lang ang gulo nang dumating ang pulis at dinampot si Alvarez.
Depensa naman ni Alvarez, nagalit daw siya nang singilin siya nang sobra ni Cabanlit at ang taxi driver umano ang naunang nanuntok.
Slight physical injuries ang kasong isinampa ni Cabanlit laban kay Alvarez.
Taken from ABS CBN News Website




