Home » Post Item » Gretchen: In Defense
Never Underestimate the Heart of a Champion.

Gretchen: In Defense

Wednesday, August 22nd, 2007

Gretchen Malalad in a live video interview shown in Boy and Kris last August 21, 2007 @ 10:30am after the incident between Bong Alvarez and Gretchen Malalad shown earlier in Umagang Kay Ganda.

Gretchen:  Nagpunta po kami dito sa Police Station.  Tapos, ang una kong nilapitan ay ung biktima na taxi driver.  Kinausap ko nga 'to at nagpakwento kung ano ang nangyari.  Tapos ay nilapitan ko po si Mr. Bong Alvarez.  Tinanong ko siya kung pwedeng makuha ang side niya. So clearly, ang sagot niya sa amin ay ilayo ninyo yang videocam na yan. Babasagin ko yan, Bubugbugin ko ang camareman … cameraman ko.

Tapos nirespeto naman namin iyon. So, pinabayaan na namin siya. Tapos, ang gagawin po namin ay iinterviewhin ho namin ulit ung biktima, na, which na andun sa loob ng opisina.  Si Mr. Bong Alvarez po ay nandun ho siya sa pintuan, nakaharang po siya don at ayaw kaming papasukin. Tapos tinanong ko po siya, "Sir bakit ayaw ninyo kaming papasukin.  May karapatan naman kami jan dahil iinterviewhin ung police, iinterviewhin namin pati ang biktima. So what he did was … tiningnan niya lang ako tapos ang ginawa niya siniko niya akong bigla, then of course, I reacted. Dinepensahan ko ho ung sarili ko.

Kris:  Na dapat lang mo na gawin..

Gretchen: So nagreact na ako dahil sinasapak na ho ako hanggang sa nagkabunuan na ho kami tapos hanggang sa pinigilan na kami ng mga pulis.

Kris: Gretchen napuna ko na nagulo ng husto buhok mo. Totoo ba na kasi sa Umagang Kay Ganda sinabi nilang sinabunutan ka niya?

Gretchen:  Ah oo.  Ma'am, ang una niyang ginawa ay sinapak niya ako dito tapos sinabunutan niya ko tapos basta ang dami hong nangyari eh.  Ngayon ho ang nararamdaman ko almost half ng mukha ko ay sobrang masakit na masakit lalo na tong panga ko na una niyang siniko.

Kris:  Ah sa panga, Boy.

Boy:  Gretch, napansin, yes.. napansin mo ba na lasing pa rin si Bong diumano habang nangyayari ito?

Gretch:  Yes, Sir. Yes Sir.  Kahit nga kanina, mismong fiscal na ang nag…. nakaamoy na nagsabi na amoy alak siya. Kakatapos lang po kasi ng inquest.

Boy:  Gretchen, sa mga pagkakataon bang ganito… kayo bang mga field reporters handa ba or are you able to prepare for something like this?

Kris: May training ba na binibigay para mapangalagaan ang kalusugan?

Boy:  Ang safety.

Gretchen:  Well, Ma'm ung….wala ho Ma'm talagang ibinibigay na training ho sa amin.  Basta ang inaano lang ho sa amin ay kung ayaw nang biktima or suspek na magpainterview nirerespeto ho namin iyong ganung desisyon.  So… iginagalang naman po namin..

Boy:  Naging magalang ka ba pagsabi kay Bong na nais mo siyang mainterview at nung sinabing hindi eh sigurado ka bang magalang ang pagkakasabi mo?

Gretchen: Opo, sinabi ko po na Sir, baka pwede hong marinig ang side ninyo kasi narinig namin ang side ng biktima.  Ang binato niya po sa amin ay ano.. wag.. ahm.. babasagin ko yang camera mo at bubugbugin ko ang cameraman mo.

Kris: Gretchen, quick question, ano'ng hitsura ng biktima.  Kasi kung ikaw nadepensahan mo ang sarili mo.

Gretchen:  Bale, ung driver ho, sabi kasi niya, tinadyakan siya ni Bong Alvarez sa mukha so, halos iyong ilong niya dito parang napipi na eh tapos may sugat siya dito… tapos magang-maga talaga. Halos matakpan na ung mata niya.

Boy: Matangkad, mataas, maliit na lalaki.

Gretchen: Maliit lang ho na lalaki eh. Bale nagmamaneho siya, nasa likuran niya si Bong Alvarez tapos, nung parang….. nakatulog kasi itong si Bong Alvarez sa taxi… nung parang nagising siya, wala siya sa tamang daanan, ayun nagsagutan na sila ng taxi driver daw at tinadyakan na nya sa mukha ang taxi driver… ay  naghabulan pa pala sila daw, paikot-ikot dun sa taxi hanggang sa meron nang barangay tanod na umawat sa kanila

Kris: Gretchen, nagpacheck-up ka na ba? Kasi…

Boy: Tinatanong ni Kris, Gretchen.

Kris:  Nagpacheck-up ka? Kasi sinabi sa Umagang Kay Ganda, dinala ka sa Mandaluyong Hospital?

Gretchen: Yes, Ma'm.  Tiningnan po. At nagpamedical check-up po ako. Tapos tiningnan din ng doctor ang mga bruises ko.

Kris: Nagpa-medico legal ka din ba?

Gretchen: Opo, nagpa-medico legal din po ako. 

Boy: Gretchen, nakabuwelta ka ba? Paano mo ipinagtanggol mo ang iyong sarili.

Gretchen: Well, ung pagsiko niya ang reaction ko is sumangga tapos sumapak na rin.  Nakipaglabanan na ko kasi wala na akong magagawa.  Kaya ang reaction ko lumaban na rin.

Boy:  Natamaan mo ba siya?

Kris: Dapat lang, kasi Boy dapat depensahan ang sarili and all.  Pero natamaan mo ba siya?

Gretchen:  Natamaan ko po siya.

Kris: Okay, maghahabla pa ba siya, maghahabla ka ba? Anong mangyayari?

Gretchen: Yes, Ma'm. Itutuloy ko po ung kaso.

Kris: Ano ung kaso mo?

Gretchen:  Physical injuries ho.

Kris: Ohh…

Boy:  Okay.  Maraming Salamat Gretchen.  At samantala, mga kaibigan, nananawagan po kami kay Almira, ang asawa po ni Bong Alvarez at kay Bong, kung ikaw ay may pagkakataon na malaman na aming kinapanayam si Gretchen Malalad.  Bukas ang Boy and Kris para po sa inyong panig.

Kris: Yes, Boy.. dapat lang malaman natin talaga kung anong nangyari. Kasi it's hard

Bakit mananapak ng babae?

Number 2.  Reporter na ginagawa ang kanyang trabaho at pangatlo, sinagot ni Gretchen sa iyo..

Boy: Yes.

Kris:  Magalang siyang humingi ng interview.

Boy:  In other words, nakuha natin ang isang panig.  Mahalaga na marinig din natin ang kabilang panig.

Video Courtesy of Cheska

Gretchen Malalad sinaktan ni Bong Alvarez

Video shown in Bandila. Courtesy of Cheska

Video shown in TV Patrol World last August 21, 2007 @ 6:30pm. Courtesy of Epey.

 

Another video capture in TV Patrol World. Courtesy of Ocryn.

Video shown in News Central last August 21, 2007. Courtesy of Abbie and Epey.

Posted by gretchenmalalad at 7:14 pm | permalink

Add a comment