Home » Post Item » Bong Alvarez kinasuhan sa pananakit ng newshen, driver
Never Underestimate the Heart of a Champion.

Bong Alvarez kinasuhan sa pananakit ng newshen, driver

Wednesday, August 22nd, 2007

August 22, 2007 05:25 PM Wednesday

 

MULI na namang naipit sa kontrobersiya ang dating basketball player na si Paul “Bong” Alvarez matapos umanong bugbugin nito ang isang taxi driver at sabunutan pa ang babaing reporter ng ABS-CBN na nais mag-interview sa kanya kaugnay sa naturang insidente kahapon sa Mandaluyong City.
   
Naunang dinala sa himpilan ng pulisya si Alvarez matapos nitong paluin umano ng bote sa mukha ang taxi driver na si William Cabanlit, sa hinalang dinadaya nito ang metro ng taxi. Patungo sana ng Pasig City si Alvarez ng mga oras na iyon.
   
Habang nasa presinto na, kinakapanayam ng reporter na si Gretchen Malalad ang taxi driver, nang biglang siyang atakehin at sabunutan umano ni Alvarez ang mamamahayag.
   
Si Malalad, na dating contestant ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant, ay isang black belter sa karate, bukod pa sa pagiging 3-time gold medalist sa Southeast Asian Games.
   
Nagawang maiwasan ni Malalad ang unang atake ni Alvarez subalit inabot pa rin siya ng suntok sa noo at nasiko pa sa leeg, na nagdulot ng galos.
   
Susugurin pa umano sana ni Alvarez ang cameraman ni Malalad na si Larry Galinato, subalit napigilan siya ng mga pulis.
   
Nabatid na galing sa Rembrandt Hotel sa
Quezon City si Alvarez, nang parahin nito ang taxi ni Cabanlit dakong alas-5 ng umaga.

Una nitong sinabi sa driver na dalhin siya sa Pasig City, pero nagbago ang isip nito at nagpahatid na na lang siya sa Quiapo, sabay sabi sa driver na sa Shaw Boulevard na lamang dumaan ang taxi.

Pero dahil matrapik sa naturang lugar, ipinasiya ni Cabanlit na sa Boni Ave., pero hindi na sinabi pa sa basketbolista dahil nakatulog na ito.

Sinabi ni Cabanlit na nagalit sa kanya si Alvarez nang magising ito dahil hindi sinunod ang kanyang binilin at pinagmumura siya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay naghahanda na ng hiwalay na kaso sina Malalad at Cabanlit laban kay Alvarez.  (Taliba wire monitoring)

Source: http://www.journal. com.ph/index. php?issue= 2007-08-22&sec=1&aid=28520

Posted by gretchenmalalad at 8:16 pm | permalink

Add a comment