Article from Jojo Gabinete
Wednesday, June 6th, 2007
ABANTE Una sa Balita
The Source by Jojo Gabinete
Napanood uli namin (sigh) kahapon ang ulat ni Gretchen Malalad tungkol sa ginaganap na bilangan sa Namfrel.
Obviously, pangarap ni Gretchen na maging television reporter at may karapatan siya kung magigiging basehan ang kanyang itsura at boses.
‘Yun nga lang, kinakabahan pa si Gretchen kaya madalas ang kanyang pagba-buckle habang binabasa niya ang partial at unofficial result ng mga boto na nakuha ng mga kumakandidatong senador.
Kailangang matuto si Gretchen ng "proper breathing" para hindi siya nabubulol o naghahabol sa kanyang hininga.
Binabasa na nga niya ang kanyang report, nabubulol pa siya. Imagine, hindi na-pronounce ng tama ni Gretchen ang pangalan ni Edgardo Angara at ng ibang kandidato?
Wala kaming intensyon na batikusin ang performance ni Gretchen. Gusto lamang namin na ma-realize niya ang kanyang mga pagkakamali dahil kung hindi siya magiging maingat, maglilipat ng channel ang mga nanonood, tulad nang aming ginawa.




