Home » Post Item » Binigyan ng Tsansa
Never Underestimate the Heart of a Champion.

Binigyan ng Tsansa

Saturday, May 19th, 2007

Abante
The Source by Jojo Gabinete 
May 16, 2007

Maganda at educational ang coverage ng ABS-CBN at GMA 7 sa ginanap na eleksyon. Of course, hindi nakaligtas sa ating pansin ang rivalry ng dalawang network. 

Kung sponsor ng GMA 7 ang Smart, ang Globe naman ang sponsor ng ABS-CBN. Kung ang AMA ang partner ng GMA 7 sa quick count, ang STI ang katambal ng ABS-CBN.

Ang publiko ang nakinabang sa malawak na coverage ng GMA 7 at ABS-CBN dahil sa mga ulat ng kanilang mga reporter na nakapuwesto sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Visible sa GMA 7 ang dating ABS-CBN reporter na si Connie Sison.

Binigyan ng tsansa si Gretchen Malalad ng PBB Celebrity Edition para maging field reporter pero kailangan pa niyang magsanay.

Kung hindi nabubulol sa pagbabalita, walang maisagot si Gretchen sa itinatanong sa kanya ng mga anchor.

Malaki ang pagkakahawig ni Maki Pulido kay Charo Santos. Napagkamalan namin na si Charo si Maki dahil sa make-up nito habang nagre-report siya ng mga kaganapan sa eleksyon.

Gustong-gusto namin ang tandem nina Vicky Morales at Arnold Clavio, lalo na kapag pinagagana nila ang kanilang sense of humor.

Dahil dati siyang congressman, alam na alam ni Ted Failon ang sistema ng pagbibilang ng boto at canvassing.

Tila hindi naging maganda ang karanasan ni Ted sa pulitika dahil sa kanyang statement habang nagpapalitan sila ng opinyon ni Korina Sanchez. Obviously, wala sa bokabularyo ni Ted na kumandidato muli sa mga susunod na halalan.

Hinihintay pa namin ang resulta ng kandidatura sa pagka-konsehal nina Aiko Melendez, Marjorie Barretto, Jeffrey Santos at Barbara Milano.

Hindi pa rin sinasagot ni Jestoni Alarcon ang mensahe na ipinadala sa kanya ng isa naming kaibigan. Kumakandidatong congressman sa Rizal province si Jestoni.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Taken from Abante Website @ http://www.abante.com.ph/issue/may1607/main.htm

Posted by gretchenmalalad at 12:54 pm | permalink

Add a comment