Home » Post Item » ‘Gege’ natsugi sa Asiad karate
Never Underestimate the Heart of a Champion.
Friday, December 15th, 2006
|
December 15, 2006 08:32 PM Friday
|
|
|
| |
|

|
Gretchen Malalad
|
|
| |
DOHA, Qatar - Nabigong sundan ng Philippines ang impresibong ipinakita sa opening day ng 15th Asian Games karate makaraang mabigo sina Southeast Asian Games gold medalists Gretchen Malalad, Nelson Pacalso at veteran Junel Perenia sa kanilang kampanya sa pagsasara ng kompetisyon kamakalawa ng gabi dito. Nakakapanghinayang si Malalad, na pinapaborang manalo ng gintong medalya, kung saan maaga siyang nasibak sa kontensiyon sa women’s +60 kg. individual kumite preliminaries makaraang masilat ni little-known Macau bet Paula Pereira, 5-7. Sa hindi inaasahang pagkatalo, walang katiyakan ang magiging kinabukasan kung magpapatuloy si Malalad sa karate, dahil sa kanyang oras sa mundo ng showbiz. Naglaro ang 26-anyos na dating beauty pageant contestant na may injury sa tuhod na natamo sa kanyang kasagsagan ng ensayo nitong nakaraang buwan. Nabokya naman si Perenia sa first round ng men’s +70 kg. individual kumite kung saan tumupi siya kay Abdullah Al Otaibi, 0-8, habang napahiya si Pacalso kay Malaysia’s Lim Yoke Wai sa men’s +65 kg. quarterfinals, 1-7. Sa kabila ng kabiguan na makakuha ng medalya sa ikalawang araw, naitala ng Pilipinas ang pinaka-impresibong ipinakita sa karate magmula nang isama ang sport na ito sa Asiad calendar noong 1994. Naipuslit ng tubong-Cagayan de Oro na si Marna Pabillore ang silver medal sa women’s -53 kg. indi-vidual kumite event habang nagsubi si kata specialist Noel Espinosa ng bronze medal. Si Pabillore, na nagwagi ng gintong medalya sa SEA Games noong nakaraang taon, ang kauna-unahang Asian Games silver medalist ng Pilipinas sa karate. Nakarating lamang sa quarterfinal rounds sina Mae Soriano (-48 kg. ku-mite) at Bong Toribio (-53 kg. kumite). Ang Pilipinas ay nagtapos sa ninth place sa 17 bansa sa karate competi-tions na dinomina ng Japan habang ang Vietnam (4th) at Malaysia (8th) ang best performing nations sa Southeast Asia. Taken from Journal Online at this link.
|