Home » Post Item » Malalad, makikipagsabayan sa individual kumite event

Malalad, makikipagsabayan sa individual kumite event

December 9, 2006

Sa pagtungo ng RP karate squad sa Doha, Qatar, isa ang three-time Southeast Asian Games gold medalist na si Gretchen Malalad ang mamumuno para isulong ang kampanya ng Pilipinas sa pinakaaasam na gintong medalya buhat sa 15th Asian Games.

Determinadong aalis ngayong hapon si Malalad mula dito sa bansa habang magtutungo na rin ang mga ka-teammates nito na nagsanay ng ilang buwan sa Naples, Italy (simula pa noong September) saan sila ang huling grupo ng Filipino athletes na darating sa Doha.

Baon ang panalangin, suporta ng kanyang pamilya at kaibigan, sisikapin ng 26-anyos na si Malalad, mapapalaban sa -60 kg. individual kumite event na gaganapin sa Dec. 12-13, na maduplika o malampasan ang kanyang bronze medal finish na naipreserba noong nakalipas na 2002 Busan Games.

Ngunit aminado si Malalad na mahirap na laban ang kanyang susuuning sa pag-eksena nito sa Asiad sa ikalawang sunod na pagkakataon lalopa’t nagkaroon ito ng knee injury noong  Nobyembre lamang.  Dagdag pa rito, isang international exposure lamang ang ang nasalihan nito saan ay nag-uwi ito ng ginto mula sa Korean Open Championships kamakailan.

“Iyong mga sumali doon, sila din (most likely) ‘yung maglalaro sa Asian Games eh,” ayon kay Malalad mula sa isang television interview ng ABS-CBN kamakailan lamang.”  Ngayon pa lang ay maraming maraming salamat sa suporta ninyo, sa lahat ng sambayanang Pilipino na nagtitiwala sa akin.  Once you’re dreaming something, kung gusto mo makukuha mo ‘yan e, basta ano lang talaga hardwork lang”.

Optimistiko naman si national karate president Ed Ponce na kahit pa kare-rekober lamang ni Malalad sa injury ay mabibigyan nito ng respetadong kampanya ang Pilipinas.

Gretchen is a fighter.  I know she will do good, I saw her in practice mas matindi na ang mga sipa niya ngayon and sa tingin ko, she will make an impact sa Asian Games,” pahayag ni Ponce na siya ring tumatayong team manager kay Malalad na lumalabas sa isang reality talent show saan ay isa itong physical fitness instructor.

Sa nagdaang mga torneo sa Europe, sa nakaraang dalawang buwan, bumandera naman sina SEA Games gold medal winner Marna Pabillore at Mae Soriano kung kaya’t kabilang sila sa aasahang tatabon sa dalawang bronzes na nahirit ng pederasyon noong 2002 Busan edition.

Dennis R. Iñigo, Editor 

Taken from Balita: Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa
Balita Sports Section Pahina 16
Taon XXXV Blg. 9 Sabado, Disyembre 9, 2006

Posted by gretchenmalalad at 11:16 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment