Home » Archives » December 2006

Kumpiyansa ang RP karatekas

December 9, 2006

Ni Theodore P. Jurado
Disyember 9, 2006

Walang dudang nakatuon ang pansin ng lahat kay three-time Southeast Asian Games gold medalist Gretchen Malalad sa pagsabak ng Philippine karate team sa Doha Asian Games.

Aalis si Malalad sa bansa ngayong hapon, kasabay ng paglisan ng kanyang mga kakampi sa Naples, Italy, kung saan nagsasanay ang mga national karatekas simula pa noong September, ang huling batch ng atleta na tutulak sa Doha.

Hangad ng 26-anyos na si Malalad, na sasabak sa 60 kg. individual kumite event na gaganapin sa Dec. 12 - 13, na maduplika ang kanyang bronze medal finish sa Busan edition, may apat na taon na ang nakalilipas.

Subalit hindi naging madali para kay Malalad ang kanyang paghahanda para sa kanyang ikalawang Asiad, lalo’t nagkaroon ang magandang karateka ng knee injury noong nakaraang buwan.

Dahil sa pagiging abala sa labas ng sports, isang international competition lamang ang sinalihan ni Malalad ngayong taon, kung saan nanalo siya ng gintong medalya sa Korean Open championships kamakailan.

“Yung mga sumali doon, sila rin (most likely) ‘yung maglalaro sa Asian Games eh,” wika ni Malalad mula sa isang television interview ng ABS-CBN kamakailan.

 

“Ngayon pa lang, maraming maraming salamat sa suporta ninyo, sa lahat ng sambayanang Pilipino na nagtitiwala sa akin.  Once you’re dreaming something, kung gusto mo, makukuha mo ‘yan eh, basta ano lang, talaga hardwork lang,” aniya.

 

Kumpiyansa naman si national karate president Ed Ponce na sa kabila ng injury ay magdedeliber ang ‘poster girl’ ng Philippine karate.

“Gretchen is a fighter.  I know she will do good, I saw her in practice.  Mas matindi na ang mga sipa niya ngayon and sa tingin ko, she will make an impact sa Asian Games,” wika ni Ponce, na tumatayo ring team manager.

Hindi lang si Malalad, na kahit nag-umpisa na nag Doha Asian Games ay patuloy pa ring lumalabas sa isang reality show kung saan tumatayo siyang physical fitness instructor, ang may pag-asa upang muling makakuha ng medalya ang karate sa Asiad. 

Sa mga nakalipas na torneo sa Europe sa huling dalawang buwan, sumingasing sina SEA Games gold medal winner Marna Pabillore at Mae Soriano kung kaya’t may kakayahan ang koponan na lagpasan ang dalawang bronzes na nakuha sa 2002 Busan Games. 

“Everyone has a chance na makakuha ng medal.  Maganda naman ang ibinigay na training ni (Italian coach) Giuseppe Romano and sana, magbunga ang lahat ng paghihirap nila at sakripisyo,” wika ni Ponce.

Ang iba pang sasabak sa Doha ay sina Nelson Pacalso, Junel Perenia, Bong Toribio at kata specialist Noel Espinosa.

Magmula pa noong isama ang karate sa Asiad calendar sa 1994 Hiroshima Games ay hindi pa nakakasambot ng gintong medalya ang Pilipinas.

 

Taken from:

People’s Taliba
Vol 26 Blg. 150
Sports Section, Page. 15

Posted by gretchenmalalad at 11:55 am | permalink | Add comment

Malalad, makikipagsabayan sa individual kumite event

Sa pagtungo ng RP karate squad sa Doha, Qatar, isa ang three-time Southeast Asian Games gold medalist na si Gretchen Malalad ang mamumuno para isulong ang kampanya ng Pilipinas sa pinakaaasam na gintong medalya buhat sa 15th Asian Games.

Determinadong aalis ngayong hapon si Malalad mula dito sa bansa habang magtutungo na rin ang mga ka-teammates nito na nagsanay ng ilang buwan sa Naples, Italy (simula pa noong September) saan sila ang huling grupo ng Filipino athletes na darating sa Doha.

Baon ang panalangin, suporta ng kanyang pamilya at kaibigan, sisikapin ng 26-anyos na si Malalad, mapapalaban sa -60 kg. individual kumite event na gaganapin sa Dec. 12-13, na maduplika o malampasan ang kanyang bronze medal finish na naipreserba noong nakalipas na 2002 Busan Games.

Ngunit aminado si Malalad na mahirap na laban ang kanyang susuuning sa pag-eksena nito sa Asiad sa ikalawang sunod na pagkakataon lalopa’t nagkaroon ito ng knee injury noong  Nobyembre lamang.  Dagdag pa rito, isang international exposure lamang ang ang nasalihan nito saan ay nag-uwi ito ng ginto mula sa Korean Open Championships kamakailan.

“Iyong mga sumali doon, sila din (most likely) ‘yung maglalaro sa Asian Games eh,” ayon kay Malalad mula sa isang television interview ng ABS-CBN kamakailan lamang.”  Ngayon pa lang ay maraming maraming salamat sa suporta ninyo, sa lahat ng sambayanang Pilipino na nagtitiwala sa akin.  Once you’re dreaming something, kung gusto mo makukuha mo ‘yan e, basta ano lang talaga hardwork lang”.

Optimistiko naman si national karate president Ed Ponce na kahit pa kare-rekober lamang ni Malalad sa injury ay mabibigyan nito ng respetadong kampanya ang Pilipinas.

Gretchen is a fighter.  I know she will do good, I saw her in practice mas matindi na ang mga sipa niya ngayon and sa tingin ko, she will make an impact sa Asian Games,” pahayag ni Ponce na siya ring tumatayong team manager kay Malalad na lumalabas sa isang reality talent show saan ay isa itong physical fitness instructor.

Sa nagdaang mga torneo sa Europe, sa nakaraang dalawang buwan, bumandera naman sina SEA Games gold medal winner Marna Pabillore at Mae Soriano kung kaya’t kabilang sila sa aasahang tatabon sa dalawang bronzes na nahirit ng pederasyon noong 2002 Busan edition.

Dennis R. Iñigo, Editor 

Taken from Balita: Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa
Balita Sports Section Pahina 16
Taon XXXV Blg. 9 Sabado, Disyembre 9, 2006

Posted by gretchenmalalad at 11:16 am | permalink | Add comment

RP Karatedo, Sasabak Na

By: Victoria Awitan

 
Gretchen Malalad
Filed Photo by: Cesar Panti
 

 

Sa pagsabak ng Filipino karatekas sa karate competition ng ginaganap na 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre 12, tiyak na aabangan ng lahat ang magiging resulta ng kampanya ng 3-time gold medal winner sa Southeast Asian Games na si Gretchen Malalad.

Si Malalad ay nakatakdang umalis ng bansa ngayong hapon kasabay ng pagtungo ng iba pa niyang teammates sa Doha buhat sa Naples, Italy, gayundin ng pinakahuling batch ng Pinoy athletes at officials na kabilang sa Team Philippines sa ginaganap na quadrennial meet.

Inaasam ng 26-anyos na si Malalad sa kanyang pagsabak sa women’s -60 kg. individual kumite event na maduplika kung hindi man malagpasan ang bronze medal finish na kanyang nakuha noong 2002 Busan Asian Games.

Hindi naging madali para kay Malalad ang kanyang paghahanda para sa kanyang ikalawang Asiad dahil nagkaroon siya ng knee injury noong nakaraang buwan.

Dahil sa pagiging abala sa labas ng sports, isang international competition lamang ang sinalihan ni Malalad ngayong taon, kung saan nanalo siya ng gintong medalya sa Korean Open Championships kamakailan.

“Yung mga sumali doon, sila rin (most likely) ‘yung maglalaro sa Asian Games, eh,”  wika ni Malalad sa isang television interview kamakailan.

“(Ngayon pa lang), maraming maraming salamat sa suporta ninyo, sa lahat ng sambayanang Filipino na nagtitiwala sa akin.  Once you’re dreaming for something, kung gusto mong makuha ‘yan, hardwork lang ang kailangan,” aniya.

Kumpiyansa naman si national karate president Ed Ponce na sa kabila ng injury ay magdedeliber ang ‘poster girl’ ng Philippine karate.

Hindi lang si Malalad, na kahit nag-umpisa na ang Doha Asian Games ay patuloy pa ring lumalabas sa isang reality talent show kung saan tumatayo siyang physical fitness instructor, ang may pag-asa upang muling makakuha ng medalya ang karate sa Asiad.

Sa mga nakalipas na torneo sa Europe sa huling dalawang buwan, sumingasing sina SEA Games gold medal winner Marna Pabillore at Mae Soriano kaya may kakayahan ang koponan na lagpasan ang dalawang bronzes na nakuha sa 2002 Busan Games.

Ang iba pang sasabak sa Doha ay sina Nelson Pacalso, Junel Perenia, Bong Toribio and kata specialist Noel Espinosa.

Magmula nang isama ang karate sa Asiad calendar noong 1994 Hiroshima Games ay hindi pa nakakasambot ng gintong medalya ang Pilipinas.


Taken from:
Page 14 Bulgar Boses ng Masa, Mata ng Bayan Blg. 8 Taon 15 

Posted by gretchenmalalad at 11:06 am | permalink | Add comment

Malalad looking beyond bronze medal this time

Jasmine W. Payo
Inquirer
December 9, 2006

 

 

KARATE’S poster girl is far from worried.

Despite a recent knee injury, Gretchen Malalad aims to surpass her previous finish when she leaves for the Asian Games in Doha, Qatar today.

“Once you dream of something, if you really want to achieve it, you’ll work very hard for it,” Malalad said in Filipino.

Malalad, a bronze medalist in the 2002 edition in Busan, will compete in the -60kg individual kumite during the karate competition on Dec. 12-13.

National karate president Ed Ponce remains confident of the chances of his top ward.

“Gretchen is a fighter,” he said. “I know she will do good. I saw her in practice, her kicks are better. I think she will make an impact in this Asian Games.”

The 26-year-old Malalad, a three-time Southeast Asian Games gold medalist, sustained a knee injury last month.

Malalad’s teammates will be planing off from Naples, Italy, where the national karate team had been training since September.

SEA Games gold medal winner Marna Pabillore and Mae Soriano are also among the favored bets.

“Everyone has a chance to win a medal,” said Ponce. “(Italian coach) Giuseppe Romano gave us a good training. We hope that all our hard work and sacrifice will bear fruit.”

Malalad bagged a gold in the recent Korean Open championships, her lone international stint this year.

“Those who participated in the competition most likely will be the same ones who will compete in the Asian Games,” said Malalad, who has also been busy appearing as a fitness trainer in a reality talent show on local television.

Nelson Pacalso, Junel Perenia, Bong Toribio and kata specialist Noel Espinosa will also see action for the national karate team, the last batch of Filipino athletes flying to Doha.

Taken from  Inquirer Website

Posted by gretchenmalalad at 10:45 am | permalink | Add comment