‘PDA’ teachers masusungit
September 19, 2006‘PDA’ teachers masusungit
Tiyempo
Chit Ramos
Ang susungit naman ng teachers at instructors ng “Pinoy Dream Academy”!
Nariyan sina Gretchen Malalad, Malu de Guzman, at ‘yung isang hindi naman kilalang singing instructress. Kung sigawan ni Gretchen ang mga scholars, akala mo’y stand-out siya nu’ng nasa “PBB” siya.
Ito namang si Malu, pitik nang pitik ng daliri na akala mo’y mga bata ang tinuturuan. Sobra rin kung mang-insulto.
Natitiyak ng Tiyempo na hindi naman ganu’ng katindi ang pinagdaanan niyang workshop bago siya naging isang mahusay na character actress. Parang it’s all for show lang ang ginagawa nina Gretchen at Malu. Acting na acting sila at inis na inis sa kanila ang televiewers.
Buti na lang at may mga Moy Ortiz at Maribeth Bichara na cool na cool lang bilang teachers ng music at dancing. Kung baga sa artista, suabeng-suabe sila at hindi terror sa kanilang scholars.
Tulad din nina Moy at Maribeth ng head master na si Jim Paredez. Tulad din siya ni Big Brother na tamang-tama ang timpla habang ginagawa ang responsibilidad niya sa mga scholars.
Nakapuntos na agad si Jim nang tumawag ang long lost dad ng isang scholar na si Jeffrey Taylor. Napanood daw niya ang anak sa TFC (The Filipino Channel) at agad siyang tumawag. Tuloy ang drama ng tunay na buhay sa “PDA.” Tulad din nu’ng sa “PBB.”
http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=27329
Posted in Gretchen Malalad Thread in ABS-CBN Forums
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






