Home » Post Item » Guro, dapat maging inspirasyon

Guro, dapat maging inspirasyon

September 2, 2006

by Billy Balbastro
Posted in the PDA Thread by Masoral @ Sep 2 2006, 03:17 PM


Para sa amin, interesting at educational ang Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN na pinapanood namin halos araw-araw.

The PDA is a school, all right, attended by “scholars”.

Sa isang school, there must be communication. Dapat maunawaan ng mga estudyante ang kanilang teacher. The teachers must understand all their students, too.

Teaching is not just sharing knowledge. Dapat ang magaling na teacher ay maging inspiration din sa kanyang mga estudyante. Dapat ma-inspire ang mga estudyante to learn more, to do a lot.

Hindi lang nagpapasa o nagbabasak ang isang tunay na teacher. Dapat sikapin din ng mga teacher to inspire; sikapin din nila na matuto ang mga bata.

Kung may mga estudyante na bumabagsak at walang natutuhan, bagsak din dapat ang teacher. Dahil teaching is not just learning but inspiring, too.

Kaya every time may nakikita kaming scholar na natutulog o hindi nakikinig sa mga teacher sa PDA, nalulungkot kami. Hindi interesting ang klase, period.

Ang ibig sabihin, they fail to inspire kahit ano pa ang haba ng listahan ng credentials nila.

Naaawa kami kay Jun Hirano, 18, ng Tottixi Ken, Japan.

Nakuha siya as a scholar in spite of language.

Personally, na-interview namin siya at nahihirapan siyang umunawa at magsalita ng Tagalog at English.

Dahil kumuha ang PDA ng scholar katulad ni Jun, hindi kaya it’s only fair na bigyan nila ito ng interpreter sa loob ng PDA? For the benefit of all.

Aware ang lahat sa PDA ng limitasyon ni Jun. Di ba, dapat, may ginawa at gagawin sila? An interpreter can also help out the teachers in understanding and inspiring him.

O satisfied na kaya sina Moy Ortiz, Maribeth Bichara at Gretchen Malalad na hindi sila naunawaan ni Jun dahil mae-expel ito in due time?

Satisfied na kaya sila with the thought na wala silang nagawa sa kanya, maliban lang sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon to sleep in their class?

Taken from:
http://www.abante-tonite.com/issue/sep0206/main.htm

Posted by gretchenmalalad at 9:00 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment